Thursday, October 15, 2009

My 2nd wisdom tooth extraction.


I was scheduled for wisdom tooth extraction thru a minor surgery last October 14, which is also my birthday. I am nervous although this is my 2nd time. Takot pa rin ang nararamdaman ko dahil mahina ang tolerance ko sa pain.

Maaga kaming dumating ng Nanay ko sa Clinic. Sa pagkakaalam ko 9:30 ang schedule ko kaya nagmamadalii kami dahil 9 am nasa bahay pa kami. Pagdating namin agad sinabi ng Secretary na si Sharlyn na "Ma'am 10:00 pa po ang schedule nyo." then i said, "it's okay mas maganda ng maaga para makapagrelax ako bago ng surgery". Very accomodating ang Secretary ni Doc Anne at natatandaan pa nya talaga ako. Ikaw ba naman ang mamaga ang pisngi at inabot ng 2 weeks bago maalis ang pain ng first wisdom tooth extraction ko last 2006. Memorable din siguro sa kanila ang impacted wisdom tooth ko they called it JUMBO hahaha. Ako na rin siguro ang pinakamakulit na pasyente na nirefer sa kanila na text ng text kung normal ba lahat ng nararamdaman ko.

Habang nag-aantay kay Doc Anne, nagbasa muna akong mga magazine at ng magsawa cellphone naman ang inatupag ko. At dahil birthday ko ng araw na iyon daming text message na dumating kaya reply mode ako. Nang matapos ako mag reply nag picture picture ako syempre di ko papalagpasin ang pagkakataon na yon dahil super memorable ang birthday kong ito "isang madugo at masakit na birthday".

Dumating na si Doc Anne, 10:30 AM nagsimula na kami. Hiningi ang periapical x-ray ng 2nd molar at 3rd molar ko. Gaya ng dati impacted na naman sya at hindi biro ang case ko ngayon dahil nakadikit sya sa 2nd molar. Horinzontal ang tubo ng wisdom tooth ko at hindi nakalabas unlike dati nakatagilid at may nakalabas ng kapiraso. Medyo fishy ang taste ko 2 weeks na kaya nagdecide na rin ako na magconsult at eto nga ang wisdom tooth ko na naman ang problema.

Pinaupo na ako ni Doc Anne at ni Doc Ted sa Dental Chair. Ayan na nagsimula ng manginig ang aking mga kamay. Nasa kanan ko si Doc Anne sya ang mag oopera sa akin at sa kaliwa si Doc Ted bagong dentist na kasama nila sa Clinic at sya ang nag-aassist kay Doc Anne at taga hawak ng Injector. Eto na simula na nag gargle ako, pinahiran ng cream ang gums ko at nilagyan ako ng eye pad para marelax ako at hindi ako masyado masilaw sa ilaw. Pero kita ko pa rin ng konti ang mga instrument na hawak ni Doc Anne. Lakas ng kaba ko syringe ang nakita ko. Agad kong pinikit ang mata ko at naramdaman ko na unti unting pinapasok ang karayom sa gums ko. Feeling ko lalabas ito sa aking mga pisngi.

Naramdaman ko na ang pamamanhid. Chineck na mabuti ni Doc Anne kung may nararamdaman pa ako sa mga area na hinihipo nya para ma sigurado na wala akong pain na mararamdaman. Pinikit ko na ang mga mata ko di ko na lam kung anong ginawa na sunod ni Doc Anne. Wala akong nararamdaman na pain aside sa pressure nang mga instrument na ginagamit nya. Sa laki ng ngipin at lalim ng crown ng wisdom tooth ko hindi ito kaya bunutin dahil madadamage ang 2nd molar ko. Para ma protektahan ang 2nd molar ko hiniwa hiwa nya ang wisdom tooth ko para mailabas. From time to time kinakausap ako ni Doc Anne para ma check kung okay ako. Binibiro pa nga nila ako..."Happy 26th Birthday Kaye!" Memorable sayo itong araw na toh... "Madugong Birthday to you" Hehehe... Nawawala tuloy ang nerbyos ko dahil alam kong nasa mabuting kamay ako. Nagppray pa ako habang ginagawa ang surgery. Finally, nailabas na rin ang crown at root ng ngipin un nga lang chop chop na sya hahaha!

Dalawang oras at kalahati tumagal ang extraction. Super tagal kong nakanganga. Nawawala wala na ung anesthesia dahil makirot na habang tinatahi ni Doc Anne ung gums ko. Agad nyang kinuha ang syringe at naglagay muli ng anesthesia. Doc Anne said. "Sandali na lang ito Kaye". Natapos na din sa wakas tinawag ni Doc Anne ang Nanay ko to explain the post operative pain na mararamdaman ko at ano ang mga bawal at dapat gawin para magheal ang gums dahil traumatize daw ang jaw ko. Niresatahan ako ng antibiotics at pain reliever at binigyan din ako ng medical certificate dahil hindi ako maaaring pumasok sa opisina ng 3-5 days. Bawal akong magsalita at kumain ng matitigas.

Bago umuwi ng bahay bumili kami ng ice cream at mga gamot ko. Yehey! Tuwang tuwa kasi wala pa akong nararamdaman na pain at akala ko naman makakain ko agad ang ice cream pagdating ko. One hour ang lumipas nagsimula ng kumirot at madugo na ung gauze na kinakagat ko. Kaya nagpalit ako eeww pangit ng lasa... Pero wala akong magawa kailangan ko gawin un para mag stop ang bleeding. Makirot na talaga iba na ang pakiramdam ko di na ako nakakain ng ice cream agad akong nagpunta sa room ko para mag pahinga. 2 days bago nawala ang sakit. Sa wakas nakakain na rin ako ng ice cream. ang sarap! takam na takam ako sa pagkain. Yun nga lang kailangan ko magtiis pansamantala hanggang sa tuluyang gumaling ang gums ko. Mahirap pa din ibuka ang bibig ko at maga ang pisngi ko.

Salamat sa Diyos at naging smooth ang minor surgery ko kahit na painful sya pagkatapos. Masaya pa din ako sa Birthday ko kahit na they called it "Bloody Birthday" dahil naalala ako ng mga taong nagmamahal sa akin.

Happy 26th Birthday to me!