Tuesday, October 5, 2010

I'M BACK




I was so surprised when i saw the new background and templates when i logged on few hours ago.  I decided to changed my header.  I tried new backgrounds seems so cool huh!  


Anyway i missed being here.  too busy  to write or let just say busy with my love life hahaha.

Every now and then i will try to write even a few sentence to update my blog.  Nakakamiss din pala magsulat kahit hindi naman ako writer.  It feels na naiiexpress ko ang nararamdaman ko nakakagaan ng feeling...

I have to go now.  will do some blog hopping...

Have a good night sleep dear friends...

God Bless





Friday, September 17, 2010

My Fashion Nature Slimming Coffee Experience

Ikakasal ang cousin ko at abay ako sinabihan na kami na magpasukat ng gown kaya lang sabi ko magpapayat muna ako.  Namomorblema ako mabuti  kasi  only have one month para magpapayat.  Isang blessing ng makita ng Nanay ko ang Aunt ko na payat na kaya tinanong nya kung ano ang iniinom and ayun binigyan ako ng 10 sachet ng Fashion Slimming Coffee.  Noong una parang ayaw kong i try kasi HINDI AKO NAINOM NG KAPE ngunit sa kabilang banda effective sa tita ko 3 weeks pa lang sang nainom at maraming nakapansin sa pagpayat nya.  Sinubukan ko mukhang mas madali naman toh kaysa naman mag aerobics ako or gym.

Unang araw ng pag-inom

-Ang pait, di naman kasi ako sanay uminom ng coffee tapos black coffee pa.  Pero tiniis ko hanggang sa tumatagal habang iniinom ko sya gumaganda ung lasa. 

-Hindi ako nakakaramdam ng gutom pero kumakain pa rin ako kahit konti sa tamang oras.  Un nga lang di na ako masyado nagccrave sa food.  Kahit anong alok sa akin ng pagkain dedma.

-Hindi ko namaubos ang isang cup ng rice. kalahati lang busog na ako.

-Pinagpapawisan akong mabuti

-Lagi akong uhaw.


Sa loob ng one week may napansin na agad si tatay ung mukha ko daw di na ganun kataba.  Before kasi kitang kita ung fats sa leeg ko at sa chin.  Tinuloy tuloy ko lang hanggang sa unti unti ko ng nakikita ang changes sa katawan ko.

Eto ang pagkakasunod sunod ng nabawasan sa akin after kong inumin for one month:

- lumiit ang face ko.  (nawala si double chin)
-na eliminate ung fats ko sa lower back
-na eliminate na rin ang excess fats ko sa hita kaya ngayon nakakapagsuot na ako ng shorts
-and last part na bawasan sa akin ay ang fats sa abdomen at sa lower abdomen.

For three  months na continues na inom ko ng coffee na achieve ko na ung 48 kgs.  eto ung ideal weight ko based sa BMI ko.


Since then di na ako masyado umiinom ng coffee... ginawa kong every other day then, every two days, then once a week.   Ngayon nainom na lang ako pag natripan ko.

Maraming nagtaka dahil namayat ako and yet di haggard ang pagpayat kaya eto shinare ko na ang secret ko.

Happy ako sa result dahil nasusuot ko na mga pants ko at blouse ko noon.

One more thing i love wearing shorts and skirts na wala na kasi mga excess fats ko.

I'm lovin it.

Sunday, September 5, 2010

Finally Found the Reason

"God has a plan for me"


Ilang taon akong nag dwell sa past relationship ko.  Isa, dalawa, tatlong taon ang nakalipas na umaasa ako na balang araw muling magtatagpo ang landas namin.  Ang mga pangako namin na binitawan sa isa't isa ang naging daan para humawak ako ng mahigpit kahit na alam kong parang hindi na tugma ang lahat ng bagay na ginagawa namin.  Sinikap ko pa rin ngunit may hangganan ang lahat.


Masakit tanggapin ang katotohanan na hindi ka kayang ipaglaban ng taong mahal mo.  Mahal ka nya mahal mo sya pero sa huli wala pa din.


Akala ko sa pagkakataon na yun hindi ko na mararamdaman magmahal ng kagaya ng binigay kong pagmamahal sa kanya.


May mga bagay na dumadating sa hindi inaasahang pagkakataon.  May mga bagay na sadyang kailangan dumaan para matagpuan natin ang tunay na kaligayahan at kasagutan sa mga tanong natin sa buhay.


Sa tuwing maaalala ko ang mga pinagdaanan ko at ang mga taong involve naiisip ko na "I'M BLESSED".  Because ginamit ni God ang lahat ng ito para maintindihan ko ang mga bagay bagay sa paligid ko.  Kung hindi nangyari ang mga bagay na ito wala akong bagong kaibigan, wala kong ibang pinagkakaabalahan at stucked na ako sa pagiging EMOTERA.


Thank you Lord sa mga opportunity dumating sa buhay ko pagkatapos ng mga pinagdaanan ko.