Ganito pala ang feeling kinakabahan na excited. Ang dami daming ideas na nabubuo sa isipan mo kahit engrande man o simple ang wedding.
Even my parents are excited pero noong una ayaw pa nila. Minsan iwas sila pag-usapan namin ang mga bagay patungkol sa pag-aasawa. Lately, napapansin ko sila na mismo nag oopen ng topic, sila na nagreremind sa akin ng mga gagawin ko, sila na rin kumakausap sa mga sponsors namin and pati pagpapasked ng seminar inasikaso na rin nila. Nakakatuwang isipin sa sa paglipas ng panahon unti unti na rin nilang natanggap.
Ang dami kong plano noon gusto ko ganito gusto ko ganun pero pag nandun ka na pala sa oras na yun di ka makapagdecide ng ayos sa mga gusto mong color, set up, gown, entourage, sponsor at kung ano ano pang dapat iprepare. Hanggang sa we decided to make it simple as in super simple with our immediate family only and some principal sponsors.
Mas simple mas okay... basta kasama ang pamilya ko, pamilya nya at ang mga piling mga kaibigan na alam kong mula't sapul pa lang ay mga tunay kong kaibigan na minahal, nirespeto at inunawa ako sa lahat ng mga pinagdaanan ko. :-)
Thanks be to God :-)