Thursday, October 15, 2009

My 2nd wisdom tooth extraction.


I was scheduled for wisdom tooth extraction thru a minor surgery last October 14, which is also my birthday. I am nervous although this is my 2nd time. Takot pa rin ang nararamdaman ko dahil mahina ang tolerance ko sa pain.

Maaga kaming dumating ng Nanay ko sa Clinic. Sa pagkakaalam ko 9:30 ang schedule ko kaya nagmamadalii kami dahil 9 am nasa bahay pa kami. Pagdating namin agad sinabi ng Secretary na si Sharlyn na "Ma'am 10:00 pa po ang schedule nyo." then i said, "it's okay mas maganda ng maaga para makapagrelax ako bago ng surgery". Very accomodating ang Secretary ni Doc Anne at natatandaan pa nya talaga ako. Ikaw ba naman ang mamaga ang pisngi at inabot ng 2 weeks bago maalis ang pain ng first wisdom tooth extraction ko last 2006. Memorable din siguro sa kanila ang impacted wisdom tooth ko they called it JUMBO hahaha. Ako na rin siguro ang pinakamakulit na pasyente na nirefer sa kanila na text ng text kung normal ba lahat ng nararamdaman ko.

Habang nag-aantay kay Doc Anne, nagbasa muna akong mga magazine at ng magsawa cellphone naman ang inatupag ko. At dahil birthday ko ng araw na iyon daming text message na dumating kaya reply mode ako. Nang matapos ako mag reply nag picture picture ako syempre di ko papalagpasin ang pagkakataon na yon dahil super memorable ang birthday kong ito "isang madugo at masakit na birthday".

Dumating na si Doc Anne, 10:30 AM nagsimula na kami. Hiningi ang periapical x-ray ng 2nd molar at 3rd molar ko. Gaya ng dati impacted na naman sya at hindi biro ang case ko ngayon dahil nakadikit sya sa 2nd molar. Horinzontal ang tubo ng wisdom tooth ko at hindi nakalabas unlike dati nakatagilid at may nakalabas ng kapiraso. Medyo fishy ang taste ko 2 weeks na kaya nagdecide na rin ako na magconsult at eto nga ang wisdom tooth ko na naman ang problema.

Pinaupo na ako ni Doc Anne at ni Doc Ted sa Dental Chair. Ayan na nagsimula ng manginig ang aking mga kamay. Nasa kanan ko si Doc Anne sya ang mag oopera sa akin at sa kaliwa si Doc Ted bagong dentist na kasama nila sa Clinic at sya ang nag-aassist kay Doc Anne at taga hawak ng Injector. Eto na simula na nag gargle ako, pinahiran ng cream ang gums ko at nilagyan ako ng eye pad para marelax ako at hindi ako masyado masilaw sa ilaw. Pero kita ko pa rin ng konti ang mga instrument na hawak ni Doc Anne. Lakas ng kaba ko syringe ang nakita ko. Agad kong pinikit ang mata ko at naramdaman ko na unti unting pinapasok ang karayom sa gums ko. Feeling ko lalabas ito sa aking mga pisngi.

Naramdaman ko na ang pamamanhid. Chineck na mabuti ni Doc Anne kung may nararamdaman pa ako sa mga area na hinihipo nya para ma sigurado na wala akong pain na mararamdaman. Pinikit ko na ang mga mata ko di ko na lam kung anong ginawa na sunod ni Doc Anne. Wala akong nararamdaman na pain aside sa pressure nang mga instrument na ginagamit nya. Sa laki ng ngipin at lalim ng crown ng wisdom tooth ko hindi ito kaya bunutin dahil madadamage ang 2nd molar ko. Para ma protektahan ang 2nd molar ko hiniwa hiwa nya ang wisdom tooth ko para mailabas. From time to time kinakausap ako ni Doc Anne para ma check kung okay ako. Binibiro pa nga nila ako..."Happy 26th Birthday Kaye!" Memorable sayo itong araw na toh... "Madugong Birthday to you" Hehehe... Nawawala tuloy ang nerbyos ko dahil alam kong nasa mabuting kamay ako. Nagppray pa ako habang ginagawa ang surgery. Finally, nailabas na rin ang crown at root ng ngipin un nga lang chop chop na sya hahaha!

Dalawang oras at kalahati tumagal ang extraction. Super tagal kong nakanganga. Nawawala wala na ung anesthesia dahil makirot na habang tinatahi ni Doc Anne ung gums ko. Agad nyang kinuha ang syringe at naglagay muli ng anesthesia. Doc Anne said. "Sandali na lang ito Kaye". Natapos na din sa wakas tinawag ni Doc Anne ang Nanay ko to explain the post operative pain na mararamdaman ko at ano ang mga bawal at dapat gawin para magheal ang gums dahil traumatize daw ang jaw ko. Niresatahan ako ng antibiotics at pain reliever at binigyan din ako ng medical certificate dahil hindi ako maaaring pumasok sa opisina ng 3-5 days. Bawal akong magsalita at kumain ng matitigas.

Bago umuwi ng bahay bumili kami ng ice cream at mga gamot ko. Yehey! Tuwang tuwa kasi wala pa akong nararamdaman na pain at akala ko naman makakain ko agad ang ice cream pagdating ko. One hour ang lumipas nagsimula ng kumirot at madugo na ung gauze na kinakagat ko. Kaya nagpalit ako eeww pangit ng lasa... Pero wala akong magawa kailangan ko gawin un para mag stop ang bleeding. Makirot na talaga iba na ang pakiramdam ko di na ako nakakain ng ice cream agad akong nagpunta sa room ko para mag pahinga. 2 days bago nawala ang sakit. Sa wakas nakakain na rin ako ng ice cream. ang sarap! takam na takam ako sa pagkain. Yun nga lang kailangan ko magtiis pansamantala hanggang sa tuluyang gumaling ang gums ko. Mahirap pa din ibuka ang bibig ko at maga ang pisngi ko.

Salamat sa Diyos at naging smooth ang minor surgery ko kahit na painful sya pagkatapos. Masaya pa din ako sa Birthday ko kahit na they called it "Bloody Birthday" dahil naalala ako ng mga taong nagmamahal sa akin.

Happy 26th Birthday to me!





Wednesday, August 19, 2009

Quarter Life Crisis

Saturday night when I found my self on the emotional state of being so alone. I cried in the sense that I am so hopeless. I thought no one can make me happy, no one seems to understand me, no one appreciates my effort, and no one loves me. My frustration leads me to extreme sadness. The sadness that no one can ever make me at ease or relax.

I know I’m suffering to so called quarter life crisis. Were everyone young professionals/individuals at their mid 20's experienced frustration, insecurities, boredom, loss of closeness to high school and college friends, desire to have a family and a sense that everyone is better than you.

I admit those given scenarios are happening to me. Failed relationships triggered me to be more emotional although I know I feel better now. But as life goes by and being in the Mid 20's of my life I need someone. Someone who will love me for the rest of my life. But still bit confused I have so may "what if's".

I'm going to my 26th few months from now and I feel I am not belong to the real world. Every one seems fooling around and playing others people emotion. I’m tired of being alone, being neglected, and being a special friend. I want a life worth living for. I want a life that is full of joy and harmony. I want a life what God’s want me to be.

Friday, June 19, 2009

My Past Time

Farm Town in Facebook


Farm Town



Level : 28 XP 51486

Coins : 2M (wow kung totoong pera toh millionaire na ako)

My Lot Size : Maximum Lot Size

My Seeds and Crops : My fave are pumpkins and onions

My Trees : Apple, Lemon, Pear, Peach, Coconut, Mango, Plum Tree

My Neighbor : 12

I started last May 2009 ininvite lang ako ni Hannah. Sakto naman noong mga oras na yon ay super bored wala masyado trabaho sa office ako kaya naisipan ko magtry tutal wala namang mawawala diba? Noong una parang di ko feel di ko maappreciate kasi hindi naman ako mahilig sa pagtatanim. Dahil sa boredom ko inexplore ko ung game hanggang sa unti unti na akong naglelevel up. Ayan nagsisimula na ako magpataas ng level hanggang sa di ko napapansin napupuyat ako kaka harvest at kaka plow ng field ko. Madalas ako tumambay sa Market Place isang area sa Farm Town kung saan pwede mo i benta ang mga naharvest na pananim, maghire ng mga tao para magharvest ng crops mo for you (para msa malaki ang income) hahaha. Sumasakit ang daliri ko kakapindot ng mouse lalo na kung may naghihire sa akin na Level 20 pataas tapos pag sinuswerte ka pa nga naman solo mo lang gagawin ung farm oh diba. Dami ko naipon na coins kaya nakakakuha rin ako ng mataas na seeds para itanim sa farm ko ng di ako nagkukulang. Tamang diskarte lang ang kailangan at dapat matyaga ko maghihiyaw sa market place para mahire ka ng mga farmers para magka income ka bukod sa pagsesell mo ng mga naharvest mo sa field mo. Nasa Level 28 na ako medyo mahirap na magpalevel up tapos nagiging busy din ako sa work at iba't ibang bagay kaya minsan di ko natataniman kaya bumabawi ako once na nagkaroon ako ng oras para magtanim. Masaya pala maging farmer sa Farm Town. Hahaha thanks sa Friend ko kung di dahil sa kanya bored na bored ako now.

Oh pano out na muna ako. Pagod na ang eyes at fingers ko.

Happy Plowing and Harvesting Farm Town Addicts!


Wednesday, June 17, 2009

Food Trip @ Conti's



We went to Trinoma this rainy thursday to join the event of Yahoo Purple Hunt once again. I got some freebies from Yahoo like rubix cube, id lace, tote bag & usb fan. Let me show you some items i got from them.


ABCD0017


After the Yahoo Purple Hunt Event, Ate Ave and I went to Conti's.


ABCD0020


The cakes looks really good and mouth watering.


ABCD0001


ABCD0018


ABCD0002


Finally, makakakain na ako


ABCD0003


ABCD0004


Next time try ko naman ibang dishes nila. For now kasi busog pa ako kaya dessert lang muna kami. Laki ng cakes nila at babalik balikan mo talaga.

I had a great dining experience with them.

Thursday, May 21, 2009

Corel Digital Art Competition 2009

Discover the freedom to create your way in the Corel 2009 Asia-Pacific International Digital Art Competition.
From now until the end of May 2009, share your designs with the world and grab a chance to Win Great Prizes. Grand prize valued at US$12,000! Find out more and submit your entries at http://www.corel.com/apac-contest

Thursday, May 14, 2009

Advertise on Crossoverprofiles





A social community that connects you to the world with thousands of members across the world and are still growing on daily basis. Crossoverprofiles is an affordable and the best way to ensure your advertisement will reach its target audience. As we grow, your business will grow with us.

We are currently seeking business partners to advertise in our site. Please send a description of your business to xoverteam@gmail.com



Our advertising options:


Banner Package

- Banner advertisement on every page
price: only $30.00 a month



Link/text Package
-Your website link on every page.
price: only $20.00 per month


website : http://www.crossoverprofiles.com

Friday, April 17, 2009

Blogger Award!




Thanks Sweetdonut for this award...(matagal2 rin ako hindi nakatanggap ng award...touch ako...:-)


thank you!


this award...

goes to...tentenen...


IgnitionStarts

Life is Wonderfull

My Inner Thoughts

Mommy Passionista

Kitchen Recipes


Wednesday, April 8, 2009

Moving Forward

Giving myself a break after a month of heartache.


Dinner invitation with my best friend


Soda


Hamburger Steak


Weee i love to eat pero syempre hinay hinay lang ang FIGURE!!! as if meron pa hahaha. Oooppsss meron pa nga malaking figure nga lang. Anyway masaya naman talaga mag food trip nakakamiss din ung moment na you can eat everything na hindi mo inaalala kung magagain ka ng weight or hindi.

Monday, March 30, 2009

Letting Go

Ang hirap naman mag let go! Lalo ng pag super napamahal na sya sayo. Lumipas ang ilang buwan ang akala ko magiging maayos pa ang lahat ngunit isang buwan lang din ang nakalipas eto na naman. Paulit ulit, nakakasawa, nakakasakit at nakakapagod na at di ko na kaya pa. Iniisip ko nga kung ako ba ang nagkulang o sya? or sadyang di lang talaga para sa isa't isa.

Hindi ko ma explain kung anong eksaktong nararamdaman ko parang hinang hina ang katawan ko at walang gana kumain, parang may sakit pero wala naman, natutulala sa kawalan kakaisip ng mga bagay bagay. Hayzzzz sana ma overcome ko agad toh...

Sana sa mga oras na toh nasa mabuti syang kalalagayan...sana maaayos nya mga priorities nya sa buhay.

Sunday, February 15, 2009

Date to Date an Auctionista




Ouch! It Hurts!

Minsan sa ating buhay di pwedeng di natin mararanansan ang umibig at masaktan. Maraming pagkakataon at mga taong darating sa buhay mo. Iba dito ay mag-iiwan ng magagandang alaala ang iba naman ay sakit ng kalooban.

Nasabi ko noon sa sarili ko na magiging ma-ingat ako dahil ayaw ko na masaktan pa. Pero kahit pala anong ingat mo masasaktan ka pa rin.

Magulo ang isip ko ngayon, maraming mga bagay ang di ko maintindihan patungkol sa kanya. Mahirap magtiwala at maniwala sa mga pangako na pilit nyang itinatanim sa isipan mo hanggang sa malunod ka sa mga pangako na wala palang patutunguhan.

Alam kong kahit papaano may natutunan ako sa mga dating relasyon na napagdaanan ko. Kaya medyo na dedeal ko tong problema ko or sakit na nararanasan ko ngayon. Pero di pa rin pala di ko kayang maging pusong bato para di masaktan.

Sa pagkakataong ito, mga kaibigan, pamilya at Panginoon ang kasama ko sa pagharap ng katotohanan at ang sakit ng kalooban na nararanasan ko. Ang mga payo at pagiging tagapakinig nila ang nagbibigay ng kagaanan sa akin. At mamuhay ng may saya sa aking puso :)

Your Unfailing Love


Find more videos like this on CrossoverProfiles


--Your Unfailing Love--
---Hillsong Australia---
when the darkness fills my senses
when my blindness keeps me from your touch,
Jesus come
verse 2
When my burden keeps me doubting
when my memories take the place of you
Jesus come
bridge
And I'll follow you there
to the place where we meet
and I'll lay down my pride
as you search me again
Chorus
Your unfailing love, your unfailing love,
your unfailing love over me again