nice analogy =)
1. The overused shoes
When I went to Davao for Christmas vacation in 2001,
I found what I think was the best shoes I've ever
had. It was a blue and white slip-ons with a flower
on its strap. Margay ang tatak niya. Ang tagal ko na
naghanap ng blue na kikay slip-ons at doon ko lang
sa Gaisano Davao nahanap iyun. And I bought the
shoes for 500 lang! Feeling ko pa, suwerte ako dahil
last pair na iyun. And it was my size!
Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos. At
napakalambot niya! I wore the shoes everyday because
they would match anything... denim, slacks, capri
pants, skirt, dress. Gamit ko siya in the office, at
the mall, in church, even at the beach!
Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na
siya sa kung saan, it was expected na wala pang
isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang. May
Margay naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro
naman may ganoong style pa sila. Ngunit napuntahan
ko na lahat ng display ng Margay pero wala akong
nakitang katulad nang nabili ko sa Davao .
Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa
Gaisano, umaasang may makikita akong ganoon klaseng
sapatos. Hindi na nga ako naghahangad ng eksaktong
ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot
lang, okay na. Kaso wala.
Iyong kikay blue Margay na slip-ons ko -- na
malambot at may naka-angat na bulaklak sa strap, na
bagay sa kahit anong damit ko -- ay sira na ngayon.
Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at
hindi na kayang i-glue ang punit na talampakan. Pero
hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko alam kung
bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero
may reminder naman ako na once upon a time, I had a
perfect pair of shoes. Hindi ko nga lang inalagaan.
Lesson learned:
Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo
ay perfect na para sa iyo, ingatan at alagaan mo.
Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka wala ka
nang mahahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang
iisipin na " sana , inalaagaan ko siya."
2. The "maganda siya pero masakit" shoes
May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay
lang ang presyo. Maganda ang material. Kikay ang
hitsura. At kapag suot ko, nakaka-sexy ng paa. May
isang problema nga lang... masakit sa paa.
Pero cutie kasi siya eh. Saka on sale. At sadyang
matigas ang ulo ko. Kaya ayun, binili ko.>
Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko. Saka masakit
naman talaga sa paa ang bagong sapatos. Pero habang
lumilipas ang oras, lalong sumasakit. Hindi siya
meant sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya,
parang gusto kong umiyak sa tuwing humahakbang ako.
Pagdating ko ng bahay, puro sugat at galos ang paa
ko. At ilang linggo din akong may peklat sa paa
dahil sa diyaskeng sapatos na iyun.
Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa
paa at hindi mo puwedeng suotin ng matagalan, huwag
mo nang bilhin. Bakit mo pa itutuloy kung alam mong
masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?
Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga
lalake na good on paper, bagay sa iyo, tipo mo nga
eh. Ang kaso, panandalian lang siya. "Boylet" lang
kasi unavailable siya. Bakit mo pa itutuloy kong
alam mong eventually ay masasaktan ka lang? Sana ,
habang maaga pa, iwasan mo na.
Lesson learned:
Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka
lamang sa bandang huli, huwag mo nang ituloy. Baka
mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo na maaaalis
kailan man.
3. The shoes that got away
May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura
lang, less than 500 lang siguro. Kakaiba din siya
kasi hindi siya iyong style na makikita mo sa
babaeng katabi mo sa MRT. Black and white siya.
Polka dots ang strap niya pero hindi cheap ang
dating. Ang kikay nga eh. tapos, two inches iyong
heels niya. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa!
Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya
eh. Mahirap hanapan ng ka-match na damit at bag.
Saka kakabili ko lang kasi ng isang sandals kaya
sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang polka
dots na sapatos na yun.
Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang
sapatos na gusto ko bilhin pero hindi ko
mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi
ko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa
dumating ang oras na kailangan ko ng isang kikay na
sandals na may print. Naisip ko agad ang polka-dots
na matagal ko na gusto bilihin. Pero pag-punta ko sa
Landmark, wala na siya doon. Naubos na. Ang ending,
napabili ako ng ibang printed na sapatos na hindi ko
naman talaga gusto pero wala akong choice kasi
kailangan ko na nga.
Lesson learned:
Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize
the day! Sa kaka-delay, baka mawala lang sa atin ito
at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman talaga
natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na
hindi mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa
thought na abot-kamay mo na lang, pero pinalampas mo
pa.
Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong
leksyon sa mga sapatos? Kaya nga panay bili ko eh,
para mas marami pa akong matutunan. Sa susunod, I
will find lessons from bags naman para ma-justify
din kung bakit sandamakmak ang bags ko.
- anonymous -
No comments:
Post a Comment